Launch Pad Band for July: HILERA
padami nang padami at patindi na nang patindi ang mga band competitions ngayon… hindi ka naman magtataka, dahil isa itong paraan kung paano talaga bumubulaga ang mga magagaling na bagong banda…
isa na dito ang nanalo sa Nescafe Sounds Kool Band Competition noong isang taon, ang HILERA. Binubuo nina
Chris Padilla (lead/vocals), Ivan Garcia (bass/vocals) at Bobby Padilla (drums), nakakuha sila ng kontrata mula sa EMI Phils. at nalalapit na rin ang paglabas ng kanilang unang album bago matapos ang taon…
Ngayon, ang kanilang unang single, Rhyme WIthout Reason, ay inilabas at pinapatugtog na sa NU 107… isang patunay ng kanilang galing sa genre nilang medyo punk-rock… abangan ang pag-angat ng kanta sa Stairway To Seven, ang pag-angat ng album pag lumabas na, at ang pag-angat ng bandang hahakot ng mga fanatikong tagahanga…
Ika nga, Pila-pila, Hile-HILERA!!!!
July 9th, 2006 at 9:05 am
huwaw..kudos for the band..